Vision of the Sunset....
i have been so damn busy last week that i wasn't able to make a single entry!i feel bad coz so many things happened..things that i am really itching to write about.Lalo na yung mga ginawa namin nung Monday.Last Monday, Lesly was here and we missed her so bad. i dunno what came over Lot siya yung nagyaya na uminom kami habang pinagkukuwentuhan namin ang mga nangyayari sa buhay namin,especially sa buhay ni Les since most of the time tapos na ang isang event sa buhay niya before pa namin mabalitaan.unlike before nung roomates pa kami lagi kaming updated!haha!we went to this cafe serving booze.naghanap kami ng aircon coz that was like 3 in the afternoon.i know i know!!!starting the week with a drinking session at 3 in the afternoon, what can i say we were never known for being predictable.hehe.
the later around 5 pm,Mel texted me pupunta din daw siya ng Elbi.yehey!ang saya saya!you see once in a blue moon lang talaga kmi maging ALMOST complete..since wala si diday dahil na kay baby clark kent, si mak ayun nagseserve ng coffee sa mga konyo at foreigner sa Segafredo sa greenbelt at si atche na tour guide ng mga turista nilang bisita.
minsan ko lang makita si lot na umiiyak.strong woman!matitindi lang talaga iniiyakan niya with the exemption of those times na once a month parang biglang nagiging psychotic siya.:) that Monday ayun umiyak ulit siya.siguro dala na rin ng alcohol.depressant kasi yun.e malungkot si Lot so lalo na after ng first round namin.pero hindi ko alam na it was a big deal talaga.(although now i don't think Lot would say it was a big deal.and i agree with her.)akala ko p.m.s lang.i was wrong.
pagdating ni Mel nagkahamunan sila ni Lot at nakita ko na lang ang sarili ko na bumibili ng RedHorse kay Manong Cadapan.noon ko lang din nalaman na sa reputasyon ng elbi na karamihan ng tao ay umiinom. nakakagulat na matuklasan na konti lang ang stores na nagtitinda ng mga nakakalasing na inumin.nakakabigla pero nakakatuwa na rin!at least wala masyadong access sa mga kabataan at bagets na uminom kahit na dapat ay nasa klase.(this applies to the grade school and high school students!hehe.)
ewan ko ba what is it with Apec!pero iba talaga ang feeling pag andun ako.nakakalimutan kong nasa elbi ako.if not for the abandoned buildings na di na natapos tapos ang construction mas maganda pa ang setting dun.ayos pa ang timing namin coz it was sunset already.napakaganda!and luckily walang mga naka motor na guards na sumita sa amin. i guess dahil it was too early.akala siguro nila walang matinong tao ang mag iinom ng ganung kaaga dun.hehe.well they thought wrong.:p
we took pictures.parang naging binyag na nga rin yun ni Stitch!hehe.while we were there parang ayoko ng umalis!!!!isa talaga yun sa mga lugar dito sa elbi na babalikbalikan ko for sure!
nung natapos ang araw na iyon.umuwi na sina Mel, Lesly and Fader sa Manila at si Lot ay bumalik na sa kabukiran ng Sta.Cruz - - naisip ko ang saya talaga kapag sila ang mga kasama ko.parang i don't want the day to end.parang laging bitin.pero ganun talaga.some of themhave to work while I have to study.hehe.pero dadating yung time na makakapagbakasyon tayo guys ng matagal.out of town.dun sa mga paradise sa Pinas!hehe.yung tipong relaxation and unwinding to the max!!!i cannot wait!!!
for now makukuntento na muna ako sa visions of the sunset sa Apec...