Thursday, July 07, 2005

Reflections.......

these past few weeks wala kaming ginawa ni lot kundi tumambay.pero the best ang conversations na nabubuo namin sa maghapon naming pagtambay.take for example sa likod ng library kung saan una kong nasaksihan ang wagas na pag-iibigan ng mga estudyante sa yufielvi.mga magkasintahang walang pakundangan sa paglalabas ng kanilang emosyon.hndi ko na nman sguro kailangang ilarawan pa ang gnagawa nila db?matatanda na tayo dito.haha.anyway doon umupo kami ni lot naisip ko maganda talaga ang eskwelahan ko.sarap ng hangin khit nakakanegra ang hangin dito iba pa rin e.napag usapan namin ang mga gusto naming mangyari sa buhay namin pagkatapos ng kolehiyo, magtrabaho, bumiyahe syempre sa Pinas muna (tangkilikin ang sariling atin!hehe) magkaron ng sasakyan at bahay at magkapamilya.sabi ko hindi ako natatakot sa mangyayari sa akin 5 o 10 yrs from now.ang nakakatakot ay yung paglalakbay na gagawin mo papunta dun.yung trials, disappointments...pero part yun e.naisip ko.noon high school, kwentong crushes lang grabe na kami magsigawan!ngayon tungkol na talaga 'to sa papupuntahan ng buhay namin.grabe!noon i always conform to what the majority says, yug peer pressure pinagdaanan ko yan pati ugly duckling stage, jologs stage.ang dami ng nagbago, kapag iniisip ko kung ano ako noon at ngayon.pero natutuwa ako sa pagbabago.i welcome change!alam ko magiging masaya ang buhay ko.sabi ko nga kay lot kahit maging lola na tayo young pa rin ang itsura natin kasi lagi tayong masaya.hindi mo mamapansin na may problema na kaming matindi.maikli lang ang buhay.wag natin sayangin sa pag aalala.dadating ang problema pero matatapos din yan.basta mahalin natin ang mga tao sapaligid natin.wag tayong manloloko ng kapwa.maniwala kayo sa karma.totoo yun.at kung akala natin walang nakakakita sa ginagawa natin..oh well...:)

1 Comments:

At 3:18 AM, Blogger kalokohan said...

astig ka annie. hats off!

 

Post a Comment

<< Home