StArTiNg FrOm ScRaTcH
nabuhay ulit ang natutulog kong pangarap.high school pa lang ako ay pinaplano na namin nina lot ang magka banda.ewan ko ba lumaki lang siguro talaga ako na mahilig sa musika.hindi ko lang talaga pinagtutuunan ng atensyon dahil sa aking palagay lahat ng kabataan ay pinagdadaanan ang mangarap.akala ko lilipas din.pero saglit na natabunan at nakalimutan ko na ang panaginip kong ito.nakuntento na ako sa pakikinig sa lahat ng uri ng musika.paghanga sa mga taong may lakas ng loob at nay talento na gawin ang bagay na wala akong lakas ng loob na gawin.subalit kanina nang makita ko si acel ng moonstar 88 at ngayon ay bokalista na ng acel's day off.naisip ko.grabe!ang ganda ng boses niya!ang lamig sa tenga..hindi nakakasawa!at si atche na katabi ko ng mga oras na yun ay biglang sinambit ang ganito "annie bagay talaga sayo ang magkabanda! di ba Lot?" at sumangayon naman si Lot.napangiti ako.natutuwa ako sa mga kaibigan ko.mga kaibigan ko nga sila.hehe. napaisip na naman ako....kung may lakas lang ako ng loob na kumanta sa harap ng ibang tao. hindi naman kasi maganda ang boses ko talaga. mahilig lang talaga ako sa musika.parte na yan ng buhay ko.sabi ko nga kung magkakaron ako ng trabaho pagkatapos ng kolehiyo..yung trabahong nanaisin kong pasukan araw-araw..yung hindi ako mababato at magsasawa...dapat may kinalaman yun sa musika.pagiging disc jockey naisip ko na rin.syang nga lang at hindi ako umabot sa audisyon.di bale sa susunod...mabalik tayo kay acel...
kailangan may gawin ako. ang ayokong ayoko kasing mangyari ay yung tumanda ako na nagiisip ng mga bagay na pinagsisisihan ko. gusto ko habang may pagkakataon gawin ko na. kaya bibili ako ng gitara. mag-aaral na akong mag gitara!
hindi ko maipapangako na makikita niyo akong kumakanta sa telebisyon o maririnig niyo ang bago kong kanta sa radyo. sabihin niyo na ang babaw ng kaligayahan ko. hindi naman kasi yung kasikatan at yung pera ang mahalaga dun. mailabas mo lang sa pamamagitan ng musika yung gusto mong maramdaman ng nakikinig sayo. ang maging inspirasyon ka sa iba.kagaya ni acel.sasabihin ng iba ulul!di totoo yan bakit kapa nangangarap ng ganyan kung di ka din lang naman kikita? ewan ko ganun ako e. gusto ko lang sabihin sa sarili ko na ginawa ko ang isang bagay na matagal ko ng gustong matutunan. hindi ko alam kung matututo nga ba ako. kung mahirap o madali. pero wala namang mahirap sa taong gusto talaga. hindi ba? basta sinubukan ko at yun ang importante.
dadating ang panahon gagawan ko ng kanta ang mga mahal na mahal kong tao sa buhay.
babalitaan ko na lang kayo.
at tsaka what's the big deal???!!!!! Mag-aaral pa lang ako mag gitara!!hahahaha!!!!
i am starting from scratch.....
4 Comments:
annie, ahaha. sa taas ng pagtingin ko sau, nakikini-kinita ko na that etong entry mo na ito, pwedeng gawing kanta! hahaha
seryoso ako. ang title shmpre STARTING FROM SRATCH... gusto mo, kontakin natin ung kaibigan kong nagrarap.... si mr. javier... (kamag-anak ni danny javier! ahehehe).. pede ka nyang tulungan! ayos!
lapatan na lang natin ng musika, pasok na!
annie! waaaahhh! naiiyak ako sa tuwa!
ako ang manager ng pinakasikat na banda sa buong archipelago de san lazaro!
ajah!
haha! ngaun ay napapaluha ako sa katatawa...pero napapluha din ako dahil halatang-halata ko na mahal niyo ng ako..haha!
atche: sige ipakilala mo skin si mr.javier pero teka hmmm.... kung ako na lng kaya ang mag approach sbihin ko na ang KAIBIGAN niyang si atche ang may sabi.haha!
lot: salamat sa suporta sa isang non-existent band..mwahaha! touched ako..basta sa kasal mo kakanta kami nio atche..wahaha!
uodate: di pa ako nkakabili ng gitara..wala akong time nung weekend...:c air guitar nlng muna..hehe..
lot ang oa mo tlga. mashdo ka ng nagiging defensive... eh anu naman kung namention ni annie ang kasal mo. bakit ayaw mo ba? eh wala namn shang specific na tao na nabangggit. wirtz ka lot!
wahekhek. defensive ka, wirtz!
lot lot lot .. tsk tsk tsk
anni, i forgot to comment.. aheheh...
by that time, sa kasal ni kumareng lot, ubod na rin ng lamig ang boses ko... ahahhahah.. sasamahan na kitang umawit!
ikaw bay nalulungkot,
nababalot pa ng poot,
maraming hinanak-kihit sa mundo...
ayos!
ajah!
wirtz!
Post a Comment
<< Home