Nang gabing mawala ako sa mood...
Events of the day...1. nung papasok ako ng eskwelahan kaninang umaga habang nagrereview ako sa jeep dahil may exam ako ng 9am may nakita akong kuting as in maliit pa talaga na nakikipagpatintero sa mga jeep sa Silangan Road. parang gusto kong bumaba pero siyempre ayoko namang magmukhang engot at maging bayani ni little kuting. pumikit ako kasi may paparating na jeep approaching the kuting.hindi ko nakita kung sinagasaan siya ng walang awang driver.wala naman akong narinig na iyak so pinaniwala ko ang sarili kong ok pa siya.balck and white nga pala ang kulay niya.ang cute pero feeling ko pag lumaki na yun at naging pusa na ay hindi na siya cute kundi kamukha na din siya ng ibang pusang nakikita kong nagugutom sa kalye.(ewan ko ba.subconsciously siguro ay naimpluwensyahan ako nung sinulat ni grace about sa aso.)
2. okay lang ang exam.masaya ako dahil memorization lang halos ang kailangan. and memorization is my forte!haha. ayoko ng numbers ng computation.harapan mo ko ng sasauluhin ma-eenjoy ko pa yan.naaalala ko nung high school si Mrs. ramos teacher namin sa Social Studies pinasaulo sa amin ang talambuhay ng mga bayani in one night.at pag susuwertehin nga naman ay ang isa sa may pinaka mahabang talambuhay pa ang mapunta sa akin..Dr.Jose RIzal.hehe.akala ko nung una di ko kakayanin pero naging ok naman ang lahat.back to the exam...ok alam kong mataas ang makukuha ko dun..hehe..
3. sa totoo lang ang dami ko pang dapat ikuwento pero nawala ako sa mood dahil sa maraming bagay...mahal na ang babayaran ko,tagal kasi mag warm up ng creative juices ko when it comes to writing.dumating na ang roomate ko at wala siyang kadaldalan sa taas at dun ako pumapasok.hehe.at isa sa major factors kung bakit nawala ako sa modd ay dahil sa mga plano naming di natutupad.dapat may gimik kami bukas sa Makati.ako, si mel, lot, atche, fader ay mader pero dahil s amga unexpected circumstances ay mukhang hindi pa amtutuloy.badtrip pag ganun. actually isa yun sa mga bagay na pinaka ayoko pero nangyayari talaga yun wala akong magagawa. kaya nga madalas natatakot akong masyadong maging excited coz "Life doesn't always turn out the way we planned it - from While you were Sleeping ni Sandra Bullock. isa sa mga pinaka paborito kong tag line from movies.
oh well siguro next time ko na lang itutuloy ito. pag nasa tamang ulirat at mind set na ako.:C
1 Comments:
asat pag ang tagal magwarm up ng creative juices no,... wirtz!
ako to si atcheng kagandahan!
Post a Comment
<< Home