Sunday, August 14, 2005

WeEk-StArTeR

it's been 2 weeks?since my last post.grabe nag-message na nga sa akin si atche.kinokondena ang hindi ko pagpopost.i saw their blogs..tsktsk..inspiring!na-inspire ulit ako magpost..nahiya naman ako kasi active na active sina lot at grace sa kani-kanilang blogs.:)

Monday na naman...napapansin ko ang bilis lang talaga ng araw..befor you know it sembreak na naman.at naku po hindi ako umabot sa klase ko kaninang 8.hay naku!as always ang aking constant lunch date na si lot ay after lunch na makakarating.hehe.kaya kahit labag sa kalooban ko kailangan kong lumabas para bumili ng lunch ko dahil si dyna naman nakapagtake out na.

waahh!ang init sa labas!sa kfc na lng ako nag take out medyo mahal pero ok lang monday pa lang naman e kaya pa ng budget ko.hindi ko pa kailangang magtipid movement.ayoko na kasi mag takeout sa jen's budbod(di ako sure if budbod talaga name nila tawag lang ata namin nina lot yan e..hehe)kasi pakiramdam ko kumakain ako ng carcinogens..parang ang daming preservatives!!!e gusto ko pa magkapamilya noh?hehe.so ayun pumunta ako ng kfc,syempre nakita ko na naman si manong guard na nakilala ko through lot and grace.if i remember right pinakilala ni atche ang aming mga sarili kay manong bilang mga artista!haha!mga baliw!

paguwi ko ng dorm tumutulo pawis ko at eksakto ako sa Rubi yung mexican soap sa channel 2.i admit fan ako ng Rubi.hehe.tapos nagpasalamat ako kay ate anne kasi inayos niya ang napakagulo kong kama.nakakahiya nga e kaya i will make it a point to keep it clean!e kasi naman last week ang dami ko talagang ginawa as in kaya wala din akong panahon.tapos sabi ni ate anne ang laki daw ng eyebugs ko.naku puyat kasi ako e,sabi ko.tumingin ako sa salamin!!waaahhh!racoon!!hehe,hindi naman mukhang gothic lang ako.nasabi ko sa sarli ko buti pala hindi ako nag black na damit kung hindi baka napagkamalan ako miyembro ng kulto at sumasamba sa mga bundok at puno.haha!(uy no offense meant ha baka may makabasa nitong ganun ang trip e..) ang labo nga e kasi pumunta dito yung block mate ko (hi!eizel!) naghiram ng FEL(ang bible naming mga nutritionist) at calcu tapos sabi niya maayos ang itsura mo ngaun ah!!
napaisip ako..ano ba 'to nang iinsulto?naku ganun na ba ka-obvious ang pagiging racoon ko?!tapos sabi ko sa kanya sarcastic ba yan o totoo?sabi nya hindi!totoo...yun lang pala ang kailangan ko mag pony tail ng buhok..hehe...iniisip ko nga magpagupit e pero that's another story..

after ko dito aakyat ako sa room at matutulog..naging ritual ko na yun.napakaswerte ko nga at hindi pa ko lumulobo sa ginagawa kong kain-tulog.hehe.pagdating ni lot later magkukuwentuhan na naman kami as always matagal din kaming hindi nagkta and knowing Lot sa isang araw lang niya e nag daming nagyayari,what more ang buong weekend..:) basta ang alam ko busog na busog daw ang mata nila nung Sunday ni grace..hmmmm.....

gusto ko rin pumunta ng Robinson's at bumili ng hand sanitizer, blotting paper na sabi ni Mel ay onion skin/paper lang daw..hehe..gusto ko din magtinigin ng jeans..bibili din ako ng shampoo, conditioner..pero bakit ko ba sinasabi 'to..ewan ko..wala lang...

just stay tune for my upcoming blogs....:p

peace out!!!!

( natawa ako bigla dahil feeling ko mag cocomment si atche sa peace out thingy na ito>>haha!)

Monday, August 01, 2005

MgA pUsa At AsOnG KaLye...

"para akong isang pusang pinulot niya sa kalye.minaltrato ng dating amo.naawa siya sa pusa kaya inalagaan niya.natutunang mahalin.hanggang sa maging okay yung pusa.mataba na.nakakalakad at nakakatakbo pa.tapos iniwan niya na ulit sa kalyeng nag-iisa dahil alam niyang kaya ng mabuhay nung pusa ng mag-isa."

Lot - ilang amo na rin ang pinagdaanan pero madaling maka recover kasi hindi malalalim ang sugat na tinamo niya mula sa mga amo niya.survivor!kaya makikita niyo si Lot ngayon na naglalakad..maaaring sa Vega, sa Carabao Park o sa Library..tumitingin tingin lang sa mga pwedeng maging amo pero gaya nga ng sabi ko sa kanya pakiramadam ko wala dito ang amo mo nasa The fort!!haha!!


Atche - aso naman si Atche.nakatali.wala pang nakakapulot kasi ayaw niyang gumala muna para may makapulot sa kanya.hinihintay niya kasi yung among gusto niyang pumulot sa kanya.kapag nakita niya nang dumaan yung gusto niyang amo gagawin niya ang lahat para mapansin siya nito pulutin at alagaan.hehe.pero sa ngayon kuntento na siyang pinapanood ang mga pusang kalyeng pinupulot ng kung sinu-sino.dito ay natututo siyang magkaroon ng standards sa gusto niyang amo.pinapanood din niya yung iba pang asong dumadaan yung mga may breed at imported like from Saudi, from USA...


Mak - siya yung asong gustong nag papa gang rape!!ok lang yun sa kanya kasi mabilis din siyang maka recover from the trauma of being sexually harrased by a pack of dogs!!malakas din ang dating niya sa mga asong may breed.ayaw niya sa mga asong kalye.ewww!!!hehe..(in memory of Ruthie--ang aso namin s dorm na mahilig mag pa gang rape sa tapat ng gate.)


Annie - ako nahanap ko na ang amo ko.sabi nga ni Lot mataba na daw ako dahil sa pag-aalaga ng amo ko.iniwan din niya ako dati.naging pusang kalye din ako.malnourished.galisin.naglalagas ang balahibo.hindi makalakad dahil may panang nakatarak sa akin.haha!!pero nagkita ulit kami ng amo ko dati kasi pinagdasal ko na magkita kami at makita niyang buhay pa ako kahit may panang nakasaksak sa akin.tinanggal niya ang pana.pinakain niya ako ng marami.pine veterinarian niya pa ako.na-miss niya daw kasi ang presensya ng pusang kalyeng ito sa buhay niya.kaya ngayonn pusang sosyal na ako.maganda na ang balahibo.fluffy at may collar pa sa leeg.and i won't ever be coming back in the streets again.

****inspired by a very good friend.yung para kina Dyna,Lesly and Diday ill get back to you gutom na kasi ako kakain pa ako ng cat food...hehe..:p

Of injustices - broken hearts - tissues


ang unfair ng mundo.yung mga tao na handang magmahal unconditionally.sila pa yung naiiwan sa ere.pero yung mga gago at tarantado magtataka ka mas madalas na tumatagal pa ang relasyon nila dahil hindi seryoso.bakit takot ang tao sa committment?naiisip ko ang weird!hindi ba lahat naman tayo gusto natin na may nagmamahal sa atin at may minamahal tayo pero bakit ganun?kapag andyan na we take it for granted.iniisip kasi siguro natin na.mahal na mahal ako nyan hindi nya ko kayang iwan.tapos magsasawa tayo.nakakalungkot kasi nasaan ang pagmamahal dun?minsan padalos-dalos tayo sa desisyon natin na hindi natin naiisip na emosyon ng tao ang involve dito.masyadong fragile.dapat iniingatan.

pero kung iisipin mo.dapat mo na nga rin sigurong tapusin.kung wala na talagang pagmamahal.mas masakit para sa kanya na dahil na lang sa awa kaya kayo magkasama.siguro nga masakit din para sayo na gawin yun pero wala ka na ding magawa kasi wala na talaga.at iyon ang nakakatakot.hindi ko mainitindihan bakit bigla na lang mawawala ang pagmamahal.saan napunta ang isa, dalawa o tatlong taon na magkasama kayo?tapos kapag tapos na ang lahat.paano na?magpapahinga ka muna at kapag nakakilala ka ng taong gusto mo at gusto ka rin panibagong pagbubuo na naman ng relasyon.panibagong taong kikilalanin mo.malalaman mo ang mga sikreto niya.makikilala mo ang pamilya niya.mga kaibigan niya.bagong taong kasama mong gagawa ng memories at matutunang mahalin.tapos magagawa mo ng kalimutan yung taong dati mong kasama at sinabi mong mahal mo.

ang lungkot talaga.nakakatakot.na nagagawa ng taong kalimutan ang lahat.posible pala na mawala na ang pagmamahal.

kaya sana huwag tayong nagmamadali.kung alam mo sa sarili mo na hindi mo naman nakikita ang sarili mo na kasama siya habang buhay bakit mo pa papasukin ang isang relasyon na kasama siya.kung pagkatapos ng ilang taon ay magsasawa ka at naisip mo kung anong klaseng buhay naman kaya ang meron ka kung may kasama kang iba.wag sana nating pag eksperimentuhan ang damdamin ng mga tao.lalo na yung mga tapat magmahal.

commitment ay binibigay lang sa taong sigurado kang mamahalin mo habang buhay at mamahalin ka rin.magtatanong ka paano ko malalaman na siya na nga talaga?magdasal ka.hayaan mong si God ang mag guide sayo papunta dun sa taong itinakda niya para sayo.at pag nakita mo na siya wag kang tatanga tanga at papakawalan mo pa siya.isipin mo na lang ang swerte mo dahil ang daming naghihintay.kaya pag dumating na ang taong parang sayo aalagaan mo.

hindi ba kayo napapagod?palipat lipat ng relasyon.iba't ibang taong pinakikisamahan!huwag niyo sabihing masaya yun dahil alam nating hindi.kahit gaano kaikli ang isang relasyon ay nagbibigay ka pa rin ng parte ng buhay at puso mo sa taong iyon.sana pahalagahan naman natin.baka kapag dumating na yung taong para sa iyo..wala ng natira para sa kanya dahil naubos na ng mga flings at short term relationships na wala namang pinatunguhan.

huwag sana nating gawing parang tissue lang ang pag-ibig at pakikipagrelasyon.na matapos pakinabangan at gamitin ay diretso na sa basurahan ang tuloy.luray luray puro sipon at wala ng pwedeng gumamit.