WeEk-StArTeR
it's been 2 weeks?since my last post.grabe nag-message na nga sa akin si atche.kinokondena ang hindi ko pagpopost.i saw their blogs..tsktsk..inspiring!na-inspire ulit ako magpost..nahiya naman ako kasi active na active sina lot at grace sa kani-kanilang blogs.:)Monday na naman...napapansin ko ang bilis lang talaga ng araw..befor you know it sembreak na naman.at naku po hindi ako umabot sa klase ko kaninang 8.hay naku!as always ang aking constant lunch date na si lot ay after lunch na makakarating.hehe.kaya kahit labag sa kalooban ko kailangan kong lumabas para bumili ng lunch ko dahil si dyna naman nakapagtake out na.
waahh!ang init sa labas!sa kfc na lng ako nag take out medyo mahal pero ok lang monday pa lang naman e kaya pa ng budget ko.hindi ko pa kailangang magtipid movement.ayoko na kasi mag takeout sa jen's budbod(di ako sure if budbod talaga name nila tawag lang ata namin nina lot yan e..hehe)kasi pakiramdam ko kumakain ako ng carcinogens..parang ang daming preservatives!!!e gusto ko pa magkapamilya noh?hehe.so ayun pumunta ako ng kfc,syempre nakita ko na naman si manong guard na nakilala ko through lot and grace.if i remember right pinakilala ni atche ang aming mga sarili kay manong bilang mga artista!haha!mga baliw!
paguwi ko ng dorm tumutulo pawis ko at eksakto ako sa Rubi yung mexican soap sa channel 2.i admit fan ako ng Rubi.hehe.tapos nagpasalamat ako kay ate anne kasi inayos niya ang napakagulo kong kama.nakakahiya nga e kaya i will make it a point to keep it clean!e kasi naman last week ang dami ko talagang ginawa as in kaya wala din akong panahon.tapos sabi ni ate anne ang laki daw ng eyebugs ko.naku puyat kasi ako e,sabi ko.tumingin ako sa salamin!!waaahhh!racoon!!hehe,hindi naman mukhang gothic lang ako.nasabi ko sa sarli ko buti pala hindi ako nag black na damit kung hindi baka napagkamalan ako miyembro ng kulto at sumasamba sa mga bundok at puno.haha!(uy no offense meant ha baka may makabasa nitong ganun ang trip e..) ang labo nga e kasi pumunta dito yung block mate ko (hi!eizel!) naghiram ng FEL(ang bible naming mga nutritionist) at calcu tapos sabi niya maayos ang itsura mo ngaun ah!!
napaisip ako..ano ba 'to nang iinsulto?naku ganun na ba ka-obvious ang pagiging racoon ko?!tapos sabi ko sa kanya sarcastic ba yan o totoo?sabi nya hindi!totoo...yun lang pala ang kailangan ko mag pony tail ng buhok..hehe...iniisip ko nga magpagupit e pero that's another story..
after ko dito aakyat ako sa room at matutulog..naging ritual ko na yun.napakaswerte ko nga at hindi pa ko lumulobo sa ginagawa kong kain-tulog.hehe.pagdating ni lot later magkukuwentuhan na naman kami as always matagal din kaming hindi nagkta and knowing Lot sa isang araw lang niya e nag daming nagyayari,what more ang buong weekend..:) basta ang alam ko busog na busog daw ang mata nila nung Sunday ni grace..hmmmm.....
gusto ko rin pumunta ng Robinson's at bumili ng hand sanitizer, blotting paper na sabi ni Mel ay onion skin/paper lang daw..hehe..gusto ko din magtinigin ng jeans..bibili din ako ng shampoo, conditioner..pero bakit ko ba sinasabi 'to..ewan ko..wala lang...
just stay tune for my upcoming blogs....:p
peace out!!!!
( natawa ako bigla dahil feeling ko mag cocomment si atche sa peace out thingy na ito>>haha!)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home