Monday, August 01, 2005

Of injustices - broken hearts - tissues


ang unfair ng mundo.yung mga tao na handang magmahal unconditionally.sila pa yung naiiwan sa ere.pero yung mga gago at tarantado magtataka ka mas madalas na tumatagal pa ang relasyon nila dahil hindi seryoso.bakit takot ang tao sa committment?naiisip ko ang weird!hindi ba lahat naman tayo gusto natin na may nagmamahal sa atin at may minamahal tayo pero bakit ganun?kapag andyan na we take it for granted.iniisip kasi siguro natin na.mahal na mahal ako nyan hindi nya ko kayang iwan.tapos magsasawa tayo.nakakalungkot kasi nasaan ang pagmamahal dun?minsan padalos-dalos tayo sa desisyon natin na hindi natin naiisip na emosyon ng tao ang involve dito.masyadong fragile.dapat iniingatan.

pero kung iisipin mo.dapat mo na nga rin sigurong tapusin.kung wala na talagang pagmamahal.mas masakit para sa kanya na dahil na lang sa awa kaya kayo magkasama.siguro nga masakit din para sayo na gawin yun pero wala ka na ding magawa kasi wala na talaga.at iyon ang nakakatakot.hindi ko mainitindihan bakit bigla na lang mawawala ang pagmamahal.saan napunta ang isa, dalawa o tatlong taon na magkasama kayo?tapos kapag tapos na ang lahat.paano na?magpapahinga ka muna at kapag nakakilala ka ng taong gusto mo at gusto ka rin panibagong pagbubuo na naman ng relasyon.panibagong taong kikilalanin mo.malalaman mo ang mga sikreto niya.makikilala mo ang pamilya niya.mga kaibigan niya.bagong taong kasama mong gagawa ng memories at matutunang mahalin.tapos magagawa mo ng kalimutan yung taong dati mong kasama at sinabi mong mahal mo.

ang lungkot talaga.nakakatakot.na nagagawa ng taong kalimutan ang lahat.posible pala na mawala na ang pagmamahal.

kaya sana huwag tayong nagmamadali.kung alam mo sa sarili mo na hindi mo naman nakikita ang sarili mo na kasama siya habang buhay bakit mo pa papasukin ang isang relasyon na kasama siya.kung pagkatapos ng ilang taon ay magsasawa ka at naisip mo kung anong klaseng buhay naman kaya ang meron ka kung may kasama kang iba.wag sana nating pag eksperimentuhan ang damdamin ng mga tao.lalo na yung mga tapat magmahal.

commitment ay binibigay lang sa taong sigurado kang mamahalin mo habang buhay at mamahalin ka rin.magtatanong ka paano ko malalaman na siya na nga talaga?magdasal ka.hayaan mong si God ang mag guide sayo papunta dun sa taong itinakda niya para sayo.at pag nakita mo na siya wag kang tatanga tanga at papakawalan mo pa siya.isipin mo na lang ang swerte mo dahil ang daming naghihintay.kaya pag dumating na ang taong parang sayo aalagaan mo.

hindi ba kayo napapagod?palipat lipat ng relasyon.iba't ibang taong pinakikisamahan!huwag niyo sabihing masaya yun dahil alam nating hindi.kahit gaano kaikli ang isang relasyon ay nagbibigay ka pa rin ng parte ng buhay at puso mo sa taong iyon.sana pahalagahan naman natin.baka kapag dumating na yung taong para sa iyo..wala ng natira para sa kanya dahil naubos na ng mga flings at short term relationships na wala namang pinatunguhan.

huwag sana nating gawing parang tissue lang ang pag-ibig at pakikipagrelasyon.na matapos pakinabangan at gamitin ay diretso na sa basurahan ang tuloy.luray luray puro sipon at wala ng pwedeng gumamit.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home